-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuti sa kalusugan ni Queen Elizabeth II.
Sinabi ng kaniyang apo na si Prince Harry ang Duke of Sussex na protektado ang kaniyang lola.
Nagkita kasi sila ng kaniyang lola kasama ang asawang si Meghan Markle ang Duchess of Sussex ng nanood sila ng Invictus Games sa Netherlands noong nakaraang linggo.
Dagdag pa ni Prince Harry na ang kaniyang 95-anyos na lola ay napapaligiran ng mga tamang tao kaya ito ay protektado.
Labis ito ng natutuwa dahil nakasama nito muli ang kaniyang lola.