-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nalagay ngayon sa kontrobersiya ang tinaguriang gambling lord na si Atong Ang at actress na si Grethen Barreto nang pumunta ang mga ito sa Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Janiuay, Iloilo Mayor Bienvenido Margarico, sinabi nito na nagkumpulan ang mga tao sa isang sikat na resort sa Janiuay, Iloilo.

Ayon kay Margarico, nais masilayan ng mga tao si Gretchen at hindi na anya naipatupad ang minimum health protocols.

Inamin rin ng alkalde na nag-courtesy call pa sina Atong at Gretchen sa kanya ngunit hindi na siya nakasunod sa resort.

Napag-alaman na pangunahing layunin ni Ang sa Iloilo ay ang pag-invest sa pagpapahintulot sa operasyon muli ng sabong.