Bumili ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng mga bakuna at antibiotics laban sa sakit na Pertussis na nagkakahalaga sa Php13 million.
Layunin nito na tugunan ang tumataas na kaso ng nasabing sakit sa kanilang lungsod.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, kabilang sa mga binili ng kanilang lokal na pamahalaan ay ang 3,500 vials ng 6-in-1 vaccine; 1,012 bote ng Azuthromycin; at 1,000 bote ng Clarithromycin.
Aniya, bukod sa sakit na Pertussis ay nagbibigay din ng proteksyon ang naturang bakuna laban sa mga sakit na diphtheria, tetanus, polio, haemophilus, influenza, at hepatitis B.
Ang mga ito ay agad na ipapadala sa lahat ng health center sa Quezon City lalo na sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga kaso ng Pertussis.
Ibabakuna ito sa mga batang may edad na 6 Weekes old pataas na hindi pa nakakatanggap ng bakuna para sa sakit na Pertussis.
Samantala, kaugnay nito ay pinaplano din ng lokal na pamahalaan na bumili pa ng maraming supply ng naturang bakuna lalo na ngayon nakakaranas ng limitadong supply ang national government.