-- Advertisements --
Bumili ang Quezon City Government ng 14 na hektarya ng lupain para sa 1,800 informal settler families.
Matatagpuan ang nasabing lupain sa Barangay Bagong Silangan at Payatas.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagpirma ng deed of absolute sale ng mga private property na pag-aari ng Tofemi Realty Corp at Kanejin Corp.
Ayon sa alkalde na ito ang katuparan ng naipangako niya sa mga informal settlers sa nasabing lungsod.
Ang nasabing lupain ay maaaring mabili ng mga informal settlers sa loob ng 25 taon.
Patuloy pa rin aniyang naghahanap ang city government ng mga lupain para mailipat ang 16,000 residente na naninirahan malapit sa ilog at creeks.