-- Advertisements --
Bibigyan ng pagkilala ng City Government ng Quezon ang mga barangay at civil society organization na nagsasagawa ng best practices para sa paglaban sa coronavirus.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, na sinabihan na nila ang 142 na barangay ng lungsod at mga civil society organization na makibahagi sa nasabing programa.
Ilan sa programa ay ang COVID-19 Prevention Campaign, Comprehensive Contact Tracing Strategy, Active Surveillance at Monitoring of Isolation and Quarantine.
Ang bawat barangay aniya na may mga mataas na puntos sa nabanggit na programa hanggang sa katapusan ng Nobyembre ay siyang magiging kampeon.
Sa ngayon ay mayroong 905 na aktibong kaso habang mayroong halos 21,000 na ang gumaling at 643 na ang nasawi dahil sa COVID-19.










