-- Advertisements --

Napiling maging host ang Qatar sa 2023 Asian Cup.

Ayon sa Asian Football Confederation na ito ang kanilang napagkasunduan matapos ang pag-atras ng China sa hosting dahil sa COVID-19 pandemic.

Gaganapin sana sa Hunyo 16 hanggang Hulyo 16 , 2023 sa 10 lungsod ng China ang torneo subalit nagpasya ang bansa na hindi na sila ang magiging host.

Hindi naman binanggit ng AFC kung kailan gaganapin ang torneo sa Qatar at ito ay posible sa taong 2024 na ganapin.

Tiniyak naman ni AFC president Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa na handa ang Qatar na maging host ng torneo kahit na maiksi ang oras ng pag-abiso nila.

Humanga ito sa mga makabagong pasilidad ng Qatar at ang kapasidad ng nasabing bansa sa paghost ng mga malalaking events.