-- Advertisements --

Nababahala ang Qatar sa muling pagbabalik ng military operations ng Israel sa Gaza.

Ayon sa foreign minister ng Qatar na ang nasabing operasyon ay makakaapekto sa mediation efforts na kanilang ginagawa.

Tiniyak naman ng Qatar na ginagawa nila ang lahat para maging kalmado.

Nagpapatuloy din aniya ang ginagawa nilang negosasyon sa pagitan ng Palestinian at Israel na ang layon ay maibalik ang tigil putukan.

Mahigpit din na kinokondina ng Qatar ang lahat ng uri ng pag-target sa mga sibilyan, anumang kaparusahan at ang tangkang pagsira sa mga kabahayan ng mga sibliyan sa Gaza.

Maging ang International Committee of the Red Cross ay umaasang muling maibalik ang ceasefire.

Maraming mga sibilyan ang muling naipit sa kaguluhan dahil sa pinaigting military operation muli ng Israel.