-- Advertisements --

Naniniwala ang Qatar na nagkakaroon na ng magandang resulta ang ginagawa nilang pagsisikap para mapalaya na ang mga bihag ng mga Hamas ganun din ang pagkakaroon ng tigil putukan sa Gaza.

Ayon kay Qatari Prime Minister Mohammed bin Abdulrahman Al Thani na sa ilang mga pagkakataon na nagkaroon ng pag-uusap ay gumaganda na ang resulta nito.

Bahagyang napapapayag na niya ang magkabilang panig at maaring sa mga susunod na araw ay matuloy ang palitan ng bihag ganun ang tigil putukan.

Kasama nito para sa pagsusulong ng tigil-putukan at pagpapalaya ng mgabihag ay sina CIA Director Bill Burns, Egyptian Intelligence chiefs at ang Israel.

Kanila pang ipaparating sa Hamas ang mga napagkasunduang frameworks ng maaring tigil putukan at ceasefire.