-- Advertisements --
Malugod na tinanggap ni Russian President Vladimir Putin ang inilatag na peace plan ni Chinese President Xi Jinping.
Sinabi ng Russian President na ang nasabing peace plan ay maaaring magamit niya para tuluyang mawakasan ang pananakop niya sa Ukraine.
Handa umano ito ipatupad basta tumalima din ang US at Ukraine.
Kabilang sa napag-usapan ng dalawang lider ng bansa ay mahigpit na pagsasama ng dalawang bansa kung saan iminungkahi ng Chinese President na kasama nila ang Russia sa pagpapalakas ng enerhiya, electronic trade at raw material trades.