-- Advertisements --
Naglabas ng kautusan si Russian President Vladimir Putin sa mga sundalo nito nito.
Sa bagong batas na pirmado nito , na makukulong ng 10 taon ang mga sundalong maglalayas, tatangging lumaban, hindi susunod sa utos at susuko sa mga kalaban.
Sa mga nagdaang batas kasi ay pagkakakulong lamang ng limang taon ang kaparusahan sa mga sundalong lalabag sa nasabing kautusan.
Ang nasabing pagpapatupad ng disiplina ay kasunod sa ulat na may ilang mga sundalo ng Russia na nasa Ukraine ang umaayaw sa paglaban.