-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang Russia na mag-suplay ng mga military equipment sa mga kaalyadong bansa sa Latin America, Asya at Africa.

Sinabi ni Russian President Vladimir Putin na pumapayag din silang isanay ang mga sundalo ng iba’t-ibang bansa.

Ipinagmalaki pa nito na maraming kaalyadong bansa ang Russia.

Ipinagmalaki pa nito na mayroong kakaibang mga magpag-aaralan ang mga sundalo ng ibang bansa kapag Russia sila nagsanay.