-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin na isabak sa combat service ang kanilang barkong pandigma na “Admiral Gorshkov”.

Sinabi ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu na sasailalim ang nasabing barko ng matagalang paglalayag sa Atlantic at Indian Oceans ganun din sa Mediterranean Sea.

Ang nasabing barko aniya ay armado ng pinakabagong Zircon hypersonic missile system na isang uri ng sea-based hypersonic system ganun din ang ilang mga makabagong armas.

Pagtitiyak ni Putin na sa nasabing malalakas na armas ay mapoprotektahan ang Russia sa anumang pananakop at para mapanatili nila ang kanilang national interest ng bansa.

Magsasagawa rin aniya sila ng military exercise sa nasabing lugar.