-- Advertisements --
368233380 691136609724777 3970169673233201819 n

Humihingi ng donasyon ang Drag Queen na si Pura Luka Vega sa publiko bago ang mga pagdinig sa korte sa Setyembre, ilang linggo matapos itong idemanda sa viral na performance niya ng “Ama Namin” na tinuligsa naman ng mga relihiyosong grupo bilang kalapastangan.

Sa post ni Vega online, inihayag nito na mas kailangan niya ng tulong ngayon.

Ang mga donasyon ay mapupunta sa pamilya ni Luka at sa pagkain para sa kanilang nalalapit na court hearings.

Nauna nang iniulat na nagsampa ng reklamo kay Vega ang mga pinuno ng Christian churches sa ilalim ng Philippines for Jesus Movement para sa kontrobersyal na pagtatanghal nito, kung saan ang drag artist – na nakasuot ng damit na sinadya upang maging katulad ni Jesu-Kristo – ay kumanta at sumayaw sa isang rock rendition ng Ama Namin.

Ang Article 201 of the Revised Penal Code ay nagbibigay ng parusa para sa mga imoral na doktrina, malalaswang publikasyon at eksibisyon.

Sinabi dito na ang penalty ng prison mayor o multa ay tinatayang nasa 6,000 hanggang 12,000 pesos.

Ilang lokalidad na rin sa buong bansa ang nagdeklara kay Vega ng persona non grata kasunod nang pagkalat ng kontrobersyal na video.