-- Advertisements --

Naging mabunga ang pulong ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco at ang tourism sector ng Germany.

Layon ng nasabing pulong ay para maihatid ang mga programang pang-turismo ng bansa sa Germany.

Pinangunahan ng kalihim ang pulong katuwang si Dieter Janecek, Coordinator for the Maritime Industry and Tourism ng German Federal Ministry for Economic Affairs.

Isa sa mga natalakay ay ang pagkakaroon ng pagsasanay sa mga tourism front liners para maipatindi nila sa Germany ang mayamang turismo ng Pilipinas.

Kasama na rito ang pagpapalitan ng kaalaman ng dalawang sektor ng turismo sa bansa.