-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayong inaalam ng mga otoridad ang puno’t dulo sa pagbigti ng isang pulis sa Hinatuan, Surigao del Sur sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Base sa nakuhang impormasyon galing ng Hinatuan Municipal Police Station, nakilala ang biktima na si Police Chief Master Seargent Dativo Canal Malinao, 41- anyos, may-asawa at nadestino sa nasabing bayan.

Napag-alamang on duty ang biktima ng umuwi ito sa kanilang bahay sa dahilang mag-CR ngunit dumiretso ito sa kaniyang kwarto na nasa ikalawang palapag at dito na narinig ang buto ng baril.

Daling pinuntahan ito ng pamilya at bumungad na lamang ang katawan ng biktima na duguan at may tama ng bala sa ulo.

Dinala pa ito sa Hinatuan District Hospital ngunit dineklarang wala ng buhay sa attending physician.

Narekober sa pinangyarihan ang isang unit sa kalibre .9mm na pistola na siyang service pistol sa biktima, kasama ang isang basyo sa bala at isang magazine na may lamang 12 na bala ng nasabi ring klase ng baril.