DAVAO CITY – Kinumpirma ng Bunawan Police Station na personahe nga nila si Police Master Sgt. Christopher Ararao, 45 gulang, na siyang nasangkot sa pagholdap sa isang fish dealer sa General Santos City.
Matapos makumpirma ang pangyayari ay dali-daling ni-relieve sa pwesto ang station commander sa Bunawan Police Station na si Police Maj. Milan Naz. Kung kaya’t sa ngayon, nagsilbing OIC sa Bunawan Police ang Deputy Station Commander nito na si PLt. Dante Espejon.
Napag alamang limang bulan palang nang ma-assign sa warrant section Bunawan PNP si Ararao na 18 taon ng nasa serbisyo.
Ayon naman kay DCPO spokesperson Police Major Catherine Dela Rey, nagpadala na ang DCPO ng isanbg team sa GenSan para sa isasagawang imbestigasyon.
Sa ngayon, naka detain na sa General Santos Police Station si Police Master Sergeant Christopher Ararao kasama ang isa pang police na kinilalang si Police Chief Master Sergeant Renante B. Medina, 44 gulang, nadestino sa DCPO Foot Patrol & Bike Unit, at mga sibilyan na sina Edwin T. Salvador, 40 gulang, at Winston Jay L. Ongco, 30 gulang.
Ayon sa report, pinasok ng mga suspect ang bahay ng biktima na si Jacky Failden na isang negosyante ng isda sa Purok Ondok Gawan, Barangay San Jose sa General Santos City.