-- Advertisements --

pregnant

Babaeng Pulis na buntis ang pinakahuling nasawi dahil sa Covid-19 infection.


Sa ngayon sumampa na sa 36 ang fatalities ng PNP dahil sa Covid-19 infection.

Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Guillermo Eleazar, lubos nilang ikinalungkot ang pagkakasawi ng buntis na pulis na isang 39-anyos police commissioned officer na naka assigne sa Questiones Document Examiner at isa sa mga team leader ng PNP SOCO sa Valenzuela City.

” It is with a heavy heart and deep sadness that I announce the untimely demise of another esteemed police officer who was in the frontline in this epic fight against a silent but deadly enemy,” pahayag ni Eleazar.

Pina-alalahanan din ni Eleazar ang mga kapulisan na mag-ingat at striktong obserbahan ang minimum health safety protocols.

Pinapayagan na rin ng PNP ang mga buntis na babaeng pulis na mag work from home dahil kabilang sila sa mga vulnerable sa nakamamatay na virus.

As of Saturday March 20,2021, ang PNP Health Service ay nakapagtala ng 1,300 active cases habang 52 police officers ang naka rekober.

Sa ngayon nasa 13,010 Covid-19 cases na ang naitala sa PNP.