-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na naaresto na nila ang puganteng si PLt. Col. Rafael Dumlao.

Si Dumlao ay siyang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo noong 2016.

Sinabi ni Remulla na inaresto si Dumlao sa isang bahay sa Quezon City nitong madaling araw ng Martes, Hunyo 9.

Dagdag pa ni Remulla na dinala na si Dumlao sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan ito ay mahigpit nilang iniimbestigahan.

Ilang linggo ang kanilang ginawang surveillance bago maisagawa ang pag-aresto.

Tiniyak din ni Remulla na mapupunta sa informant ang P1.09 milyon ang inilaan na reward.