-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Finance (DOF) sa publiko laban sa pekeng Facebook page na gumagamit sa ahensya para sa mga fraudulent activities.

Sa isang statement, sinabi ng DOF na may Facebook page na ginagamit ang pangalan ng ahensya kung saan iniendorso nito ang di-umano’y financial grant na aabot ng $400 sa mga Pilipino bunsod ng COVID-19 pandemic.

Naglalaman din daw ito ng link na ire-redirect ang users para makita ang karagdagan pang impormasyon tungkol sa “scholarship.”

Dahil dito ay hinihikayat ng ahensya ang publiko na huwag basta maniwala sa mga links dahil posibleng ginagamit lamang ito para makuha ang kanilang data privacy at iba pang essential information.

Paalala ng DOF, mahigpit na nakabantay ang gobyerno sa mga legit websit ng iba’t ibang government agencies sa bansa at kaagad itong aaksyon sa oras na malaman kung sino ang nasa likod ng mga tiwaling gawain.