Hinihimok ang publiko na suportahan ang mga proyektong pangkabuhayan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) o inmates ngayong malapit na ang kapaskuhan.
Maliban sa paggawa ng Christmas tree at lanterns, ilan pa sa mga produktong gawa mismo ng mga inmates na in-demand at swak na pangregalo sa Pasko ay ang mga hinabing fashion bags, coin purse, stuffed toys at indigenous products.
Mayroon ding decorative products gaya ng beaded bonsai trees, paintings, wood carvings, lamps at paso para sa customized orders.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Supt. Solda sa pamamagitan ng pagbili sa mga nasabing produkto na ginawa mismo ng mga inmates ay makakatulong ito bilang kanilang sources of income para masuportahan ang kanilang mga pamilya ngayong panahon ng financial crisis.
Ang livelihood activities na ito ay isang integral component ng mga programa para sa reporma ng mga inmates sa mga piitan sa iba’t ibang dako ng bansa.










