Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko hinggil sa mga indibidwal na ginagamit ang infrastructure projects ng pamahalaan para manghingi ng pera.
Ayon sa DOTr, nakatanggap sila ng ilang reports tungkol sa isang nagngangalang John Petalcorin, na nagpapakilala bilang empleyado ng kompanya na Infratechnik, na umano’y humahawak sa ilang China-funded projects, kabilang na ang Subic-Clark railway project.
Itong si Petalcorin ay nangso-solicit aniya ng pera mula sa mga contractors para pondohan ang pagtayo nang naturang proyekto.
Patuloy ang monitoring na ginagawa ng DOTr sa usapin na ito, at nakikipag-ugnayan na rin sa mga awtoridad para tugunan ang mga sumbong na kanilang natatanggap, para mapanagot na rin si Petalcorin at iba pang sangkot sa issue na ito.
Hinimok naman din ng kagawaran ang publiko na maging mapagmatyag at kaagad na isumbong sa awtoridad ang mga kahina-hinalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Transportation Sec. Arthur Tugade o sinumang opisyal ng DOTr at mga proyekto para manghingi ng pera.










