-- Advertisements --
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang mga pampublikong paaralan upang gawing vaccination centers sa mga urban areas sakaling hindi available ang mga gyms at coliseums.
Sa kaniyang ulat sa bayan kagabi, sinabi ng Presidente na magiging last resort ng local government units (LGUs) ang mga public school buildings bilang venue sa isasagawang vaccination rollout dahil wala pa naman daw face-to-face classes sa ngayon.
Aniya kung kulang daw talaga ang pagdadausan ng pagbabakuna ay papayagan nito na gamitin ang pasilidad ng mga pampublikong paaralan.
Una kasing inatasan ni Duterte na gamitin na lamang ang mga police stations at military installations bilang vaccination sites sa mga rural areas.