-- Advertisements --

Lusot na sa House Committee on Public Works and Highway ang panukalang Public Private Partnership Law na isinusulong ni House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Representative Joey Salceda.

Ayon sa economist solon malaking bentahe sa gobyerno ang nasabing panukala dahil ito ay magbubukas ng trilyong halaga na pondo mula sa corporate at private sector na magagamit sa mga infrastructure projects.

Sinabi ni Salceda na magsisilbi din itong pandagdag o supplement sa public resources ng gobyerno.

Ipinunto ni Salceda na malaking tulong ang naturang pondo lalo at malaki ang utang ng pamahalaan.

Sabi ni Salceda mayruong P27 trillion financial resources ang available sa banking sector, at P600 billion kada taon para sa malalaking conglomerates, na kada taon para sa private sector financing ng PPP.

Ang nasabing panukala ay nagtatakda ng malinaw na rules and definitions para hindi magkaruon ng kalituhan sa old PPP law sa ilalim ng Build-Operate-Transfer Law at sa bagong panukala.

Pinasisiguro ni Salceda sa mga implementing agencies na tiyakin na ang implementing rules and regulations ay agad na mabuo at mailabas.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na isinusulong ni Salceda ang nasabing panukala at ito din ang kauna unahang PPP LAW na binanggit ni PBBM sa SONA.

Ayon naman kay Surigao del Sur Rep. Romeo Momo, chair ng Komite, kailangan palakasin ang BOT law sa pamamagitan ng public-private partnership upang lalo pang maging kaaya-aya ang PPP projects sa mga investors at mapapakinabangan naman ng publiko.

Pinatitiyak naman ni Salceda na magkakaroon ng isang transition framework para sa paglipat mula BOT patungo sa PPP.