
Magsasagawa ang Public-Private Partnership (PPP) Center ng feasibility study sa pagsasapribado ng serbisyo ng EDSA Bus Carousel ayon yan sa Department of Transportation.
Ayon kay Transportation Secretary Mark Steven Pastor, nakipag-ugnayan na sila sa Public-Private Partnership (PPP) Center para sa nabanggit na feasibilty study.
Dagdag pa ni Pastor, kahit hindi sila nag-extend ng pormal na alok, ilang pribadong kumpanya pa din ang nagpahayag ng kanilang interes sa programa.
Inaasahan ng gobyerno na isapribado ang EDSA Bus Carousel sa 2023.
Sinabi rin ni Pastor na mararamdaman ng publiko ang budget na inilaan para sa programa sa 2023 matapos niyang tanungin kung paano gagamitin ng gobyerno ang budget para sa programa kapag ito ay naging privatized.
Una rito, nag-aalok ang gobyerno ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel sa ilalim ng programang “Libreng Sakay” nito, na nakatakdang magtapos sa Disyembre 31, 2022.










