-- Advertisements --
image 91

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mas episyenteng paggamit ng tubig sa bansa noong 2022.

Batay sa resulta ng isang pag-aaral na inilabas ng PSA, ang kabuuang water use efficiency (WUE) sa bansa noong nakalipas na taon ay umangat ng 5.5%.

Ang water use efficiency (WUE) ay ang halaga na naidadagdag sa ginagamit na volume ng tubig sa bawat cubic meter.

Sa inilabas na report ng PSA, naitala ang P211.04 per cubic meter (cu. m.) ng nagamit na tubig noong 2021 habang nitong nakalipas na taon ay umaabot lamang sa P200.09 per cubic meter.

Naitala naman ng service sector ang pinakamataas na paggamit na paggamit ng tubig sa halagang P1,300.73 per cu. m.

Naitala ng industry sector ang P426.85 per cu. m. habang P15.49 per cu. m sa sektor ng agrikultura.

Sa kabuuan ng paggamit ng tubig noong 2022, naitala ng household sector ang hanggang sa P59.37 billion.

Sinundan ito ng mining and quarrying, manufacturing and construction sa halagang P47.12 billion habang ang industry at services ay umaabot sa P38.32