-- Advertisements --

Nagdesisyon si Speaker Alan Peter Cayetano na bawiin ang kanyang inihaing panukalang batas na nagbibigay ng provisional franchise sa media giant na ABS-CBN.

Sa plenary session ng Kamara, sinabi ni Cayetano sa kanyang privilege speech na binawi niya ang House Bill 6732 na magpapahintulot sana sa ABS-CBN na makapag-operate ng hanggang Oktubre 31, 2020.

Matapos ang konsultasyon sa iba pang mga lider ng Kamara, sinabi ni Caayetano na binawi niya ang provisional franchise ng Lopez-led broadcast company upang magkaroon ng malalimang pagdinig sa 25 year franchise nito.

Iginiit ni Cayetano na lahat ng gustong magsalita sa isasagawang pagdinig ng Kamara ay bibigyan nila ng pagkakataon.

Batid aniya niya na may iba pang mga mahahalagang issue na dapat pagtuunan ng pansin tulad ng issue sa COVID-19 pandemic, pero umaapela si Cayetano sa mga kapwa niya kongresista na maging handa sa pagmumulti-task.