Pinahihintulutan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan ng EDSA mula Oktubre 26 o kahapon hanggang Nobyembre 6.
Ayon kay MMDA Dir. Atty. Victor Nunez, ngayon peak days ay papayagan ang mga provincial bus sa EDSA mula alas10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Pinagaan ng ahensya ang pagbabawal sa mga provincial buses upang mabigyang-daan ang mga provincial buses sa inaasahang mataas na bilang ng mga pasaherong pupunta sa mga probinsya para sa holidays.
Gayundin na matiyak ang kaginhawahan ng mga commuters.
Gayunpaman, kung masusubaybayan ng MMDA na magaan ang daloy ng trapiko, papayagan silang pumasok sa EDSA ng “round the clock”.
Matatandaan na ipinatupad din ng MMDA ang patakaran sa panahon ng Semana Santa ngayong taon at panahon ng Pasko noong nakaraang taon.
Una nang ipinagbawal ng gobyerno ang mga provincial buses sa EDSA mula noong 2019 at inutusan ang mga operator na mag-pick at drop off ng mga pasahero sa Valenzuela City at Sta. Rosa, Laguna lamang.