-- Advertisements --

Plano ngayon ng ilang senador na baguhin ang protocol sa pag-aresto sa mga personalidad na pinapa-contempt.

Bunsod ito ng biglang pagtatago ng magkapatid na sina Mohit Dargani at Twinkle Dargani na kapwa mataas na opisyal ng Pharmally.

Maging ang isyu ng biglang pagkawala ng contact dati kay Krizle Grace Mago, matapos itong mapa-amin ukol sa ginawa nilang tampering ng expiration date sa ilang produkto.

Ayon kina Sen. Ping Lacson at Sen. Franklin Drilon, mahalagang matiyak na maihaharap ang mga personalidad na may kailangang sagutin sa isyu.

Panukala ng mga senador, dapat agad nang i-deploy ang mga tauhan ng OSSAA, kung may ipapa-arestong resorce person.

Dagdag pa ni Drilon, ang pagtakas ay palatandaan ng pagiging guilty, kaya lalo lamang tumitibay ang alegasyon laban sa mga opisyal ng Pharmally, hangga’t hindi sila muli lumalantad.