Tinutulan ni Private Prosecutor Atty. Amando Ligutan ang paraan ng cross-examination ni Defense Counsel Atty. Carlo Narvasa sa ikatlong araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Hulyo 8, 2026.
Nagpahayag ng matinding pagtutol si Atty. Ligutan matapos simulang tanungin ni Atty. Narvasa ang testigong si NBI Cybercrime Division Senior Agent John Mark Calilung tungkol sa nilalaman ng isang investigation affidavit noong Pebrero 10, 2025 hinggil sa grave threats complaint laban sa Bise Presidente.
Binigyang-diin ni Ligutan na hindi makasasagot nang maayos at patas ang testigo kung hindi muna ipinapakita o ibinibigay sa kanya ang pisikal na kopya ng affidavit na pinatutunggulan ng depensa.
Sa gitna ng sunod-sunod na pag-obserba at pagharang ni Atty. Ligutan sa linya ng pagtatanong ni Atty. Narvasa sa testigo, napansin ni Senate President at Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na mukhang “frustrated” o naiinis na ang counsel ng prosecution.
Sumagot naman si Ligutan ng, “I’m very patient, your honor.” upang humupa ang tensyon sa pagpapatuloy ng cross-examination.
















