Inanunsyo ni Lead Prosecutor Gerville Luistro na hindi na ipiprisinta ng House prosecution panel ang ilang nakatakdang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Hulyo 15.
Kaugnay ito ng Impeachment Article IV na tumatalakay sa umano’y banta ng Bise Presidente.
Kabilang sa mga hindi na ihaharap ay ang kinatawan mula sa Philippine National Police Firearms and Explosives Office (PNP FEO), mamamahayag na sina Mikhail Flores at Bonz Magsambol, Sheriff Abe Andres, isang kaanak ng biktima ng pagbabanta, at isang psychiatrist.
Ayon kay Luistro, si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang magiging huling testigo ng prosecution para sa Article IV.
Ang kanyang testimonya ang inaasahang magbibigay ng kabuuang paglilinaw sa mga alegasyon ng banta sa buhay ng Pangulo Ferdinand Marcos Jr., first lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez na nakapaloob sa impeachment complaint.
Ang desisyon ng prosecution na magbawas ng testigo ay nakikitang hakbang upang mas mapabilis ang pagdinig at maituon ang atensyon sa mga pangunahing ebidensya at testimonya na direktang may kaugnayan sa kaso.
















