Pinuna ni Dr. Edcel Salvaña, isang infectious disease expert, at miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health (DOH), ang modeling ng OCTA Research group sa paggawa ng kanilang projections sa COVID-19 cases.
Ayon kay Salvaña, “problematic” ang modeling na ginagamit ng OCTA Research group dahil nakabase ito sa “incomplete” at “erroneous” data.
Ang calculation kasi ng OCTA Research group aniya ay nakabase sa mga kaso na iniulat dalawang linggo na ang nakalilipas, bagay na hindi na maituturing bilang valid sapagkat mayroong backlogs sa reporting ng mga kaso.
Nilinaw naman nito na hindi niya sinasabi na hindi alam ng mga miyembro ng OCTA Research group ang kanilang ginagawa, pero ang masasabi lamang niya ay problematic ang model na kanilang ginagamit dahil sa ang datos na pinagbabasehan nila ay hindi kumpleto at “inconsistent” din.
Nauna nang sinabi ng OCTA Research group na ang Metro Manila ay “officially” nang nakakaranas ng surged kaya hinihimok nila ang pamahalaan na magpatupad ng striktong “circuit-breaking” lockdowns para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19 Delta varian.
Pero ayon kay Salvaña, wala namang difinitive na kahulugan para sa salitang “surge.”










