Magsasagawa ng profiling ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino community sa India.
Ipinag-utos ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang mga tauhan bilang bahagi ng posibleng susundin na contingency measures sa harap nang pagtaas ng COVID-19 cases sa India kamakailan.
Nabatid mula sa embahada ng Pilipinas sa New Delhi na 30 Pilipino ang nadagdag sa nauna nang 20 na nagpositibo sa COVID-19.
Miyerkules nang sinabi naman ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr. na dalawang Pilipino na ang namatay sa COVID-19 sa naturang Southeast Asian nation.
Dahil sa surge na ito nagdesisyon ang Pilipinas na pansamantalang isara ang mga borders ng bansa sa mga biyahero mula India kasunod na rin ng lockdown na ipinatupad ng kanilang gobyerno.
Sa ngayon, papalo na sa 18,754,984 ang confirmed cases sa India, kung saan 208,313 dito ang binawian ng buhay at 15,373,765 naman ang recoveries, base sa latest tally ng Worldmeters.