-- Advertisements --

Hindi muna matutuloy ang dapat sana’y proklamasyon ni Crown Prince Akishino bilang tagapagmana ng trono dahil sa nararanasang coronavirus outbreak.

Napagdesisyunan ng Japanese government na ipagpaliban muna serremonya kasunod na rin nang deklarasyon ng state of emergency sa Tokyo at iba pang prefectures.

Nakatakdang gawin sa Abril 19 ang Ceremonies for Proclamation ng Crown Prince sa Imperial Palace.

Binawasan din ng gobyerno ang bilang ng mga bisita na dadalo sa naturang seremonya at kinansela na rin ang mga banquets.