-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagkabali-bali ang paa ng isang estudyante matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng car park building sa Lungsod ng Iloilo.
Ang biktima ay kinilalang si alyas Joy, 20-anyos ng Tapaz, Capiz.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Woody Dela Riarte ng Kauswagan, Iloilo City Proper, na isa sa unang rumesponde sa lugar, sinabi nito na inamin ng dalaga na mayroon itong problema kaya naisip niyang magpakamatay.
Patuloy namang ginagamot ang biktima sa ospital dahil sa kanyang natamong injury na resulta ng malakas na impact nang bumagsak ito.