Suportado ng pro-life na mambabatas na si House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan sa mga krimen na may kauganayan sa iligal na droga at karumaldumal na krimen.
Sa isang forum, iginiit ni Abante na tututulan niya ang reimposition ng death penalty kung lalagpas sa drug trafficking, massacre, child rape, at rape-slay ang masasakop dito.
“I am actually pro-life. I would only allow the death penalty to be re-instituted on heinous crimes for example massacre or drug trafficking or the rape of a child, or the rape with killing. Wala nang iba,” ani Abante.
Pero iginiit ni Abante na dapat magkaroon ng reporma sa justice system sa bansa sa oras na maibalik na ang pagpapataw ng parusang kamatayan.
Sa kaparehong forum, nagbabala naman si Buhay party-list Representative Lito Atienza sa reimposition ng death penalty sa posibilidad na maabuso ito ng mga tinatawag na rogue cops.










