-- Advertisements --

SAN FRANCISCO, USA – Sinimulan na raw ng Facebook ang crack down sa private groups na naglalaman ng mga maling impormasyon at iba pang hate content.

Nabatid raw kasi ng social networking giant na maraming pribadong grupo ang nabuo mula nang burahin nila ang mga malisyoso at iba pang misinformation content na kumalat.

Sa loob ng private groups na ito umano ibinaling ang palitan ng mga content na ipinagbabawal sa pampublikong komunidad ng social media site.

“People turn to Facebook Groups to connect with others who share their interests, but even if they decide to make a group private, they have to play by the same rules as everyone else,” ani Tom Alison, Facebook vice president for engineering.

Dagdag pa ng opisyal, sakop ng kanilang community standards ang mga private at public groups, na siyang mino-monitor ng kanilang detection tools.

Gumagamit ang Facebook ng articial intelligence (AI) para otokamatikong ma-scan ang mga posts at masara ang mga pages na paulit-ulit na lumalabag sa kanilang panuntunan.

Sa nakalipas na taon, nasa 1.5-million content na mula sa iba’t-ibang grupo ang inalis ng kompanya dahil nilabag umano ng mga ito ang kanilang polisiya laban sa organized hate.

May 12-million content din na may kinalaman sa hate speech ang tinanggal ng Facebook.

Nitong nakaraang buwan naman, pinatawan ng restrictions ng kompanya ang halos 2,000 groups dahil sa kanilang violence content, kasabay ng pag-alis sa mga grupong konektado sa “QAnon conspiracy theory.”

Pansamantalang naka-block ngayon ang mga administrator at moderator ng nasabing mga grupo na konektado sa “offline anarchist groups” na nagsusulong ng karahasan.

“People tagged for violating social network standards in groups will need to get moderator or administrator permission for any new posts for 30 days, and if what is cleared for sharing continues to break the rules the entire group will be removed.”

Bukod sa crack down, lilipunin na rin daw ng Facebook ang mga grupo na matagal nang walang administrator. Hindi na rin umano ilalabas ng kompanya ang health-themed groups sa recommendation results.

Noong nakaraang taon, 200 pages at accounts na organisado ng social media manager ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections ang sinara ng Facebook dahil sa pagiging peke ng mga ito.(AFP)