-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Iligal na naglanding ang isang private chopper sa Brgy. Yapak sa isla ng Boracay.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagmamay-ari umano ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap ang RC-C8428 na private chopper.

Sinasabing may sakay itong limang mga pasahero at walang prior coordination sa Barangay at napag-alaman na wala ring clearance na ipinapakita ang piloto nito.

Una umanong nagkarga ng gas ang chopper sa Brgy. Caticlan at agad na bumalik sa Boracay.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Yapak Barangay Council sa mga pasahero at piloto ng nasabing private chopper.