-- Advertisements --
Nakamit ni Prince Albert Pagara ang bakanteng International Boxing Federation (IBF) Asia lightweight belt matapos talunin si Aketelieti Yelejian ng China.
Nagwagi si Pagara sa pamamagitan ng unanimous decision matapos ang 10 rounds ng laban.
Ito ang unang panalo ni Pagara matapos ang dalawang taon.
Mayroon na siyang 35 panalo, isang talo at 24 knockouts sa kaniyang record.
Habang si Yelejian ay mayroong siyam na panalo, apat na talo, isang draw na mayroong dalawang knockouts.
Kapwa nagpalitan ng mga suntok ang dalawa kung saan ginamit ni Yelejan ang kaniyang tangkad na 5 feet at 9 inches.