CAGAYAN DE ORO CITY – Nauwi sa amicable settlement ang madugo na aksidente sa pagitan ng prime mover truck na kargado ng container van laban sa dump truck na sakay rin ang higit 20 na pasahero sa kahabaan ng Brgy Dableson,Sultan Naga Dimaporo,Lanao del Norte.
Ito ay kahit nag-resulta nang pagkasawi ng apat na katao ang pagbagsak ng container van mula sa prime mover papunta sa kasalubong na truck kung saan nakasakay ang mga nasawi.
Kinilala ni Police Regional Police Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro ang mga nasawi na sina Rosita Becoy,60;Robinson Canoos,27; Samuel Ceniza,50 at Jussin Canoos,10 na lahat nagmula sa bayan ng Kapatagan papunta sana sa sentrong bahagi ng lalawigan.
Sinabi ni Navarro na mabilis ang takbo ng prime mover na minaneho ni Felipe Abalos na taga-Cebu San Isidro,Isabela ng biglan nawalan ng balanse ang kaya nahulog ang van at napunta sa trak na minaneho naman ni Rolan Balansag Umandam.
Dead on the spot ang apat na nabanggit na mga biktima habang agad naisugod ang higit 20 pa na mga pasahero sa SND Provincial Hospital ng probinsya.
Sumuko ang suspek subalit kalaunan ay boluntaryong pinakawalan dahil hindi na intresado ang mga biktima maghain ng kasong kriminal laban rito.