-- Advertisements --
bigas

Maaaring palawigin pa hanggang sa Oktubre ng kasalukuyang taon ang pinaiiral na price cap sa regular at well-milled rice kahit pa magsisimula na ang anihan o hanggang sa manatili sa P38 kada kilo na lamang ang retail price ng bigas.

Maaari ding manatili ang price cap hangga’t nakakatulong ito sa mga mamimili.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, ito ang inirekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Miyerkules.

Sa ngayon wala pang inilalabas na impormasyon kung inaprubahan ni PBBM ang naturang panukala.

Sa kasalukuyan, wala pang desisyon kung makakatanggap ng karagdagang subsidiya ang mga retailer ng bigas sakaling palawigin pa ang price ceiling.

Ayon kay USec. Panganiban, nakadepende ang desisyon kina DSWD Sec. Rex Gatchalian at PBBM.

Matatandaan na naging epektibo ang price cap sa 2 klase ng bigas noong Setyembre 5 at ang inisyal na plano ay tanggalin ito sa katapusan ng Setyembre.