-- Advertisements --

Para mapagaan ang epekto ng  4.7% year-on-year inflation na naitala nitong Pebrero, ipinapanawagan ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate na magpataw na rin ng price cap ang pamahalaan sa presyo ng galunggong.

Pinaiigtingan din ni Zarate ang paghabol sa mga nagmamanipula at profiteers sa pagtaas ng presyo ng galunggong dahil nabatid na ang source price ng naturang isda ay nasa P60 kada kilo lang subalit pagdating sa merkado ay pumapalo na ito ng P280 kada kilo.

Umaapela rin si Zarate sa pamahalaan na kung maari ay palawigin ang subsidiya na ibinibigay sa mga magsasaka at mga hog at poultry raiser.

Kasabay nito ay kanya ring pinare-regulate ang downstream oil industry dahil ang patuloy na pagtaas sa presyo ng oil products ay may direktang epekto sa presyo ng pagkain.