-- Advertisements --

Kaniya-kaniya na ng abisyo ngayon ang mga oil companies sa kanilang price adjustments na ipapatupad simula bukas, araw ng martes.

Ayon sa PTT Philippines mag-iimplementa sila ng price adjustments epketibo bukas ng alas-6:00 ng umaga. kung saan ang pagtaas sa GASOLINa ay aabot sa P2.70 kada litro habang sa DIESEL naman ay aabot sa P6.55 bawat litro.

Ganon din naman ang ipapatupad na presyuhan ng seaoil sa gasoline at diesel 6.55, at kerosina ay may pagtaas ng aabot sa P5.45 sa CALTEX naman ang simula na mamayang alas-12:01 ng madalingaraw ang oil price increase.

Ang Pilipinas SHELL ay bukas ng alas-6:00 ng umaga ang pagpapatupad nila ng oil price hike.

Liban lamang sa Cleanfuel na dakong alas-8:01 pa bukas ng umaga sila magpapatupad ng oil price hike.

Sa ngayon ag Domestic pump prices ay halos walang humpay sa paggalaw pataas at meorn lamang walong linggo na may rollbacks nitong taong 2022.

Sa Latest data mula sa Department of Energy (DOE) ay nagpapakita ng adjustments o pagtaas sa kabuuan na umaabot na sa P23.85 per liter sa gasoline, nasa P30.30 per liter sa diesel, at umabot na sa P27.65 per bawat litro para sa kerosene as of May 31, 2022.