-- Advertisements --
Tumaas ang presyo ng mga school supplies sa bansa.
Ayon kay Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, na karamihan sa mga school supplies ay tumaas ng mahigit piso.
Isa aniya sa mga dahilan ng mga manufacturer ay dahil sa pagtaas na rin ng presyo ng mga raw materials.
Pinayuhan na rin ng opisyal ang mga magulang na dapat bumili sila ng mga school supplies na naka-bundle dahil ito ay mas mura kaysa yung tig-isa.
Pagtitiyak nito na patuloy ang kanilang pag-iikot sa mga bentahan ng mga school supplies para maityak na hindi sila aabuso sa pagtaas ng mga presyo ng mga ito.










