-- Advertisements --
Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng mga basic goods and prime commodities sa bansa .
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na mula Agosto 2021 hanggang Mayo 2022 ay mayroong pagtaas ng hanggang hindi bababa sa 1 percent at pagtaas ng mahigit 50 percent.
Paglilinaw pa ng kalihim na ang nasabing pagtaas ay pasok pa rin sa suggested retail prices na itinakda ng ahensiya.
Patuloy din aniya nilang pinag-aaralan ang mga petisyon ng mga manufacturers at producers na humihiling ng pagtaas ng kanilang mga presyo.