-- Advertisements --
Tumaas ang presyo ng mga itlog ng hanggang P1.00 kada piraso.
Sinabi ni Gregorio San Diego ng Philippine Egg Board Association, na ilan sa mga dahilan nito ay ang tinamong damyos dahil sa bagyo at bird flu.
Ilang mga poultry farm kasi sa Ilocos Sur ang tinamaan ng bagyo kung saan maraming mga inahing manok ng namatay.
Hindi rin ikinaila ang patuloy na pananalasa ng bird flu sa bansa.
Umaasa naman ang kanilang grupo na bababa rin ang presyo nito kapag maging normal na ang suplay ng mga itlog sa bansa.