-- Advertisements --
Tumaas ang presyo ng ilang noche buena products tatlong buwan bago ang Pasko.
Base sa monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang mga pamilihan, nagmahal ng P5 hanggang P65 ang presyo ng mga pang-Noche Buena.
Kabilang sa mga produktong ito ang mabentang mga sangkap para sa pagagawa ng mga salad at spaghetti na patok na inihahanda tuwing pasko gaya ng mayonanaise, ham, cheese, fruit cocktail, spaghetti sauce at pasta.
Kaya naman payo ng DTI sa mga konsumer na habang maaga pa lamang ay mamili na ng maaga dahil sa nakaambang umento pa sa presyo.