Inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na imposible umanong maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo gaya ng ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Saad pa ng dating pangulo na patuloy na tataas pa ang presyo. Aniya, simula noong nakalipas na taon ay tuluy-tuloy na tumataas ang presyo ng nasabing produkto kung saan ang retail price ng premium rice ay nasa P67 kada kilo habang ang local well-milled rice ay nasa P57 at ang local regular rice ay ibinibenta sa P53 kada kilo.
Bagamat imposible na maibaba sa P20 ang presyo ng bigas, sinabi ni Duterte na maaari pa ring makontrol ang presyo ng bigas kapag humiling si Pang. Marcos sa Kongreso ng emergency powers.
Samantala, base sa paagtaya ng Department of Agriculture, tinatayang nasa 200,000 MT ang posibleng palay losses dahil sa El Nino.
Kaya ayon kay federation of free farmers national manager Raul Montemayor ang pagbawas sa maaning palay ay nangangahulugan ng karagdagang pressure para mag-angkat ng bigas para mapunan ang supply gap.










