-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy na temporaryong gamitin ang BRP Ang Pangulo o ang presidential yacht para sa mga pasyente na nadapuan ng coronavirus.

Sinabi ng Pangulo na inalerto na nito ang Navy na puwedeng gawin itong pansamantalang pagamutan.

Puwede rin aniyang tumulong ang Navy dahil sa kulang ang mga doctor at nurses.

Dagdag pa ng pangulo na hindi pa nagamit ni minsan ang nasabing yate ng pangulo.