-- Advertisements --
Hindi itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagkakaroon ng balasahan sa kaniyang gabinete.
Kasunod ito sa pagtatapos ng appointment ban sa mga natalong kandidato na tumakbo noong May 9, 2022 elections.
Inamin nito na mayroong siyang mga napupusuang mga indibidwal na hindi na sakop ng nasabing appointment ban.
Paglilinaw pa ng pangulo na isang uri ng reorganization ang kaniyang gagawin at hindi ‘reshuffle’.