-- Advertisements --

Naglabas ng Executive Order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagpapanatili ng temporary modification ng import duty rate ng mga mechanically deboned meat (MDM) na mga manok at turkey.

Pinapanatili ng pangulo ang limang porsyentong tariap sa mga MDM poultry para matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng mga essential food products sa abot kayang presyo.
Matutulungan din aniya nito ang mga negosyante na kasalukuyang bumabangon pa lamang mula sa COVID-19 pandemic.

Magugunitang noong Enero 15, 2021 ay pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 123 na nagpapanatili sa taripa ng mga MDM ng chicken at turkey sa limang porsyento ng hanggang Disyembre 31, 2022.

Ang nasabing rates ay maaring pag-aralan matapos ang isang taon mula ng maipatupad ang kautusan.